Rainbow Windows

Moods that vary from "red-hot" to "cool violet" with some "mid-green" areas. That's me. Here's a glimpse.

Friday, August 12, 2005

Mood: Happy..wheee...May tag board na ako!

Hehehe ang babaw. But still I am really happy to have my own tag board. Ang corny nga lang ng template ng blog ko. Hay. Kelan ko kaya mapapaganda ang blog template ko???

Basta ang next agenda ko...pano ko magagawa na ung naka-post lang e ung current month's blogs? Gusto ko kasi once the month ends, naka-archive na ung entry. Posible ba yun?!?! or asking for the impossible/skills of a HTML master-of-the-universe?

Start na ako sa bagong work ko sa Lunes. Honestly, I am excited. Kasi bago na naman :) hopefully, I am better equipped to face the challenges ahead. Basta I am facing this new chapter with a smile on my face, hope in my heart, calmness of mind and trust in the Lord.

Excited din ako for the upcoming trip to SG! :P Nga pala, share ko lang...anniv namin ni Albert sa Wednesday...6 years na pala kaming mag-boyfriend? Ang bilis talaga ng panahon!

*********

Early this morning, I sent my "farewell" email to everyone in our department. Here's how it went:
------
Para sa lahat:

Sa susunod na linggo, ww34, ay magsisimula na ang aking opisyal na pag-transisyon sa AMAP. Nais ko lamang sanang ipahiwatig ang aking galak sa pagkakataong kayo’y makatrabaho at makasama. Sa halos isang taon na aking pamamalagi sa ATDP, marami akong natutunan (hindi lang sa trabaho pati na rin sa mga buhay-buhay) mula sa inyong lahat. At bagama’t wala pa akong isang taon sa ATDP, malugod niyo akong tinanggap bilang katrabaho at kaibigan :)

Kahit ngayong magkakalayu-layo na tayo sa iba’t ibang department, kayo pa rin ang aking unang mga kapamilya, kapuso at kabarkada sa *toot*. Maraming salamat sa inyong lahat.

Hindi ako mag-iiwan ng isang ”Paalam” sa halip ay isa lamang itong ”Hanggang sa muling pagkikita...”

-------

Samu't saring reaksyon ung natanggap ko sa kanila. Ranging from hilarious to touching:

"Che, pakikubli na paghihimas (Pls. keep in touch)"

"Cge po, salamat din. Parang ang tagal na nating magkatrabaho dahil sa mga task force"

"Pls. send English version. I can't read Tagalog"

"Maibabalik ba ang kahapon" na me follow up na "Tama na maiiyak na naman ako huhuhu araw-araw na lang huhuhu"

"Ang lalim ng Tagalog akala mo Tagalog, Bisaya naman" -- this from a fellow Bisaya

"Ka-lalom sa imong tagalog, Che, naglisod kog sabot" (Ang lalim nung tagalog, nahirapan akong intindihin)

"God bless and good luck"

"Hope your ATDP foundation will carry you a long way throughout your career in *toot*. I know you will" -- from a manager. Hay nakaka-touch, and inspiring.

...and so much more..

it makes me miss my department more... Haayy... kaya ngayon, every chance I have, I spend it with them kasi soon hiwa-hiwalay na kami.

********
Natatandaan mo pa ba...
Nung tayo ay unang magkita...

Lumilipas ang panahon...
Kabiyak ng ating gunita...

(Kanlungan by Noel Cabangon)

1 Comments:

At 4:32 PM, Blogger BabyPink said...

aaww, nice tinagalog letter.:)

possible na siya, mommy. i-check lang sa imong settings. naa ma'y daghan available nga templates sa blogger. naa to didto sa dashboard eh.:) basin naa ka'y maganahan didto.:)

happy anniversary sa akong mami annabil ug dadi edowardo! mwah! more years and happiness!:)

 

Post a Comment

<< Home